Exalt: “Thank you Jesus for the Blood”
Empower: Gen. 2:7; Eph.1:3; Rom.8:32; Phil.4:19; 1 Tim.6:17;
2 Cor. 9:8-13
A Generous God
Sa simula pa, makikita na ang pagiging mapagbigay ng Diyos nang lalangin Niya ang tao at bigyan Niya ito ng buhay (life). Ibinigay din Niya ang lahat ng kailangan ng tao (e.g. plants, trees, fish, animals) upang mapanatili (sustain) ang buhay na kaloob Niya. Wala sa isipan ng Diyos ang kakapusan (scarcity) o kakulangan (shortage or poverty), subalit dahil sa kasalanan at pagpili ng tao na mabuhay na hiwalay sa Diyos, nagsimula siyang kumilos na mag-isa sa sariling paraan at sarliling pagsisikap; naging makasarili (selfish) at ganid (greed) ang tao sa mga bagay na materyal (o pinansyal). Sa bawat bansa, ang agwat (gap) sa pagitan ng mahihirap at mayayamang tao ay lalong lumalaki. That’s why in many nations of the world, the belief that there is a generous God (or whatever description others have for their deity) who is the source of blessings gives hope and motivation to many.
Sa kabila ng situasyon sa mundo, ang Diyos (our true God) ay hindi nagkulang sa pagpapadama ng Kanyang kahabagan at pagiging mapagbigay sa tao. Nagpakilala Siya kay Abraham bilang Jehovah Jireh (“the Lord will provide”). Makikita sa Lumang Tipan kung paano Siya nagbigay ng tubig, pagkain (manna and quails), haliging ulap at apoy na nagsisilbing silong, liwanag at gabay sa paglalakbay ng mga Israelita. Ginamit Niya ang uwak upang magdala ng pagkain kay Elijah at ang babaeng balo upang bigyan siya ng tinapay, dahilan upang maranasan niya ang kapangyarihan ng Diyos, hindi naubos ang lalagyan ng harina at langis ng babae (1 Kings 17).
Sa Bagong Tipan, bukod sa nagbigay Siya ng pagkain (feeding of 4000 and 5000 people), kagalingan sa may sakit, at kalayaan (to those oppressed by the devil), ibinigay ng Diyos ang Kanyang pinakamabuti – ang Kanyang Bugtong na Anak (John 3:16). At sa pamamagitan ng Kanyang Anak na sumasaatin, naipagkaloob na ang lahat ng bagay na kailangan natin dito sa mundo (Ephesians 1:3). Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait, sa halip ay ibinigay para sa ating lahat, hindi kaya niya ibibigay nang masagana sa atin ang lahat ng bagay? (Roma 8:32 MBBTAG)
Sa enonomiya ng Diyos ay walang kakulangan; everything is provided. Ito ang dahilan kung bakit sa kabila ng kakapusan (scarcity) sa mundo, ang mga anak ng Diyos ay maaaring managana dahil ang pinagkukunan nila ay ang Diyos. Ang Diyos ang nagbibigay ng karunungan at kakayahan upang ang Kanyang mga anak ay managana (Deuteronomy 8:18) Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang sumagana kayo para sa mabubuting gawa. (2 Cor. 9:8 MBBTAG). In Christ we are already blessed with everything we need. Hanggat hindi mo nakikita (pinaniniwalaan) na ikaw ay pinagpala na, mahihirapan kang magbigay o maging bukas-palad sa iba.
Ang mga Kristiyano na kumikila sa pagiging mapagbigay ng Diyos ay hindi reklamador (always complaining due to financial situation; hindi rin nagmamalaki o nagmamataas; bagkus, sila’y mapagpasalamat (full of gratitude) sa Diyos, mahabagin at mapagbigay sa kapwa. Ang pagbibigay (giving) ay pagpapahayag (expression) ng paniniwala sa Diyos na Siya ang pinanggagalingan (Source) ng pagpapalang pinansyal o mga pangangailangan sa buhay. Gusto ng Diyos na maging daluyan tayo (channel, not storage) ng pagpapala sa iba, lalong-lalo na sa Kanyang iglesia, upang matupad nito ang layunin ng panawagan ng Diyos.
Elevate: Application/Suggested Questions:
1. Magbigay ng mga personal mong karanasan sa pagiging mapagbigay (generous) ng Diyos?
2. Kung tatanungin ka ng iba (esp. non-Christians), paano mo ito (God’s generosity) itutugma sa kahirapan (poverty) na nararanasan sa mundo?